PCG, bukas sa anumang imbestigasyon hinggil sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang humarap sa kahit anong imbestigasyon ang Philippine Coast Guard hinggil sa insidente ng MV Lady Mary Joy 3.

Ayon kay Rear Admiral Arman Balilo, tagapagsalita ng PCG, inaantay na lamang nila ang report ng Bureau of Fire and Protection hinggil sa naturang sunog.

Paliwanag ni Balilo ang coast guard naman ay nakadepende sa ginagawa ng MARINA dahil kapag pinayagan aniya ng MARINA ang isang barko, ito aniya ay sea worthy.

Ito ang naging tugon ni Balilo hinggil sa naging pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na dapat may managot sa nangyaring insidente sa MV Lady Mary Joy 3. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us