Opening ceremony ng Balikatan Exercise, isasagawa sa Camp Aguinaldo ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa ngayong araw sa Camp Aguinaldo ang opening ceremony para sa Balikatan 23 military exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. military, ang pinakamalaking pagsasanay ng dalawang pwersa sa kasaysayan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, handa na ang lahat ng participants, resources, at mga pagsasanayang “scenario” matapos ang halos isang taong preparasyon.

Ang ehersisyo na lalahukan ng 12,000 sundalong Amerikano, 5,000 tauhan ng AFP, at mahigit 100 miyembro ng Australian Defense Force, kasama ang “observers” mula sa 11 bansa ay tatagal hanggang April 28.

Wala pang kumpirmasyon kung makakadalo ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-obserba ng combined joint littoral live-fire exercise na isasagawa sa San Antonio, Zambales sa April 26, na isa sa mga tampok na aktibidad ng ehersisyo.

Ayon kay Col. Aguilar, nakatuon ang mga aktibidad ng pagsasanay sa pagpapahusay ng interoperability ng magka-alyadong pwersa.

Inaasahan aniya na ang pagsasanay ay paraan para isulong ang “vision” ng AFP na maging isang “world class armed force.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us