Binigyang pag-alala ngayong araw sa lungsod ng Maynila ang ika-79 na anibersaryo ng Battle for Manila na itinuturing na isa sa pinakamalaking bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Ngayong araw pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuña ang nasabing anibersaryo kung saan nagbigay mensage ito at nagpasalamat sa ating mga bayani na magsisilbi nating inspirasyon sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaraan.
Pinangunahan din ni Lacuna ang wreath laying sa Plazuela de Santa Isabel sa Intramuros, Manila.
Kasama sa mga dumalo ngayong araw sa event ang samu’t saring mga ambassador at diplomat mula sa iba’t ibang mga bansa.
Inaalala tuwing ikatlo ng Pebrero, ang Battle of Manila noong 1945 ay nagresulta sa pagkamatay ng 100,000 sibilyan at humantong sa pagkawasak ng Maynila noong World War II. | ulat ni EJ Lazaro