Matagumpay na nagtapos ang kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) na ginanap sal Hollywood USA simula January 29 hanggang February 2.
Tampok dito ang 10 pelikula na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan nagkaroon din ng star-studded na awards gala sa ginanap na Directors Guild of America sa Los Angeles.
Sa mensahe ni MMDA Acting Chairman at MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes sa awards gala, sinabi nitong iisa lang ang layunin nito, ito ay buksan ang pintuan para sa mas maraming mga pelikulang Pilipino na makilala hindi lang sa Pilipinas pero sa ibang parte ng mundo.
Kumpiyansa naman ang opisyal na ito na ang simula at sisikapin aniya na gawing Christmas tradition na sa Amerika ang pagdaraos ng MIFF.
Dumalo rin sa awards gala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nagsilbing panauhing pandangal.
Aniya, ang pagdraos ng MIFF ay hindi lamang pagalingan ng pelikula. Ito rin ay pag-uugnay ng dalawang kultura at pagpapakita ng mayamang kasaysayan ng Pilipinas.| ulat ni Diane Lear