Hindi pabor si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. sa mungkahing ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.
Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense ngayong araw, sinabi ni Galvez na ang ganitong mga hakbang ay makakaapekto sa comprehensive peace process.
Pinahayag rin ni Galvez ang kagalakan na ang mismong mga taga Bangsamoro ay hindi sinusuportahan ang mungkahing ito.
Binigyang diin ng opisyal na pinahayag ng mga taga Bangsamoro na susunod sila sa kasunduan nila sa pamahalaan.| ulat ni Nimfa Asuncion