Aminado si Senator Imee Marcos na may pangamba siya sa isa sa rekomendasyon ni dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na alisin na sa Konstitusyon ang tungkol sa economic provision ng Saligang Batas.
Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, pinahayag ni Azcuna na dapat ay gawin na lang mga batas ang mga panuntunan tungkol sa ekonomiya ng bansa para madali itong ma-update at mabago depende sa pangangailangan ng bansa.
Pero ayon kay Senator Imee, nakakabahala ito dahil ayaw naman nilang humantong na mawalan ng lupa ang mga Pilipino sa sarili nating bansa dahil masyado nang mataas ang presyo nito.
Gayundin aniya pagdating sa natural resources ng Pilipinas, at baka mapunta na lahat ang mga ito sa mga dayuhan.
Pero maaari rin naman aniya itong ikonsidera sa ibang mga industriya. | ulat ni Nimfa Asuncion