Tiniyak ng DOLE na may tulong nang nakahanda para sa mga manggagawa na naapektuhan ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region at CARAGA.
Paglilinaw lamang ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi agad maipatupad ang mga programa nila dahil kailangan pa aniyang dumaan sa proseso kung sinu-sino ang dapat makinabang sa ibibigay na ayuda.
Partikular sa tulong na inihahanda na ng DOLE ang TUPAD o Tulong Pangkabuhayan para sa Displaced at Disadvantaged Workers.
Sa ngayon, patuloy pa ang pangangalap ng DOLE ng impormasyon sa bilang ng mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay at naapektuhan ng patuloy na pagbaha at mga landslide sa dalawang rehiyon sa Mindanao. | ulat ni Lorenz Tanjoco