Ipinakilala ng Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ni Secretary Christina Garcia Frasco ang pinakabagong atraksyon sa Hop-On-Hop-Off Bus Tours nito.
Ayon kay Sec. Frasco, kanilang ilulunsad ang ikatlong stop ng bus tours ng DOT na tinagurian nitong Entertainment Hub.
Tampok ng bagong Entertainment Hub na ito ang 13 atraksyon na kinabibilangan ng NAIA terminals, Newport Word Resorts, City of Dreams, at iba pa.
Sinasabing bahagi ito ng inisyatibo ng National Tourism Development Plan ng kagawaran at itinuturing na milestone para sa public-private partnership.
Inilunsad noong nakaraang taon, hango ang Hop-On-Hop-Off Bus Tours sa kaparehong programa sa mga bansa tulad ng Abu Dhabi, Argentina, London, Madrid, New York, at Singapore na layong mabigyan ang mga turista partikular ang group travelers at mga indibiduwal na turista ng convenience at flexibility kung paano maglilibot sa iba’t ibang destinayon sa pamamagitan ng seamless, contactless transport, at tour booking system.| ulat ni EJ Lazaro