Muling nagbabalik ngayong 2024 ang kilalang photography contest hatid ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pokus sa sektor ng agrikultura na may temang “Harvest Time.”
Ayon sa PAGCOR, mas mataas na premyo ang nag-aabang para sa mga lalahok ngayong taon kabilang na ang bagong drone category.
Layunin ng patimpalak, ayon sa kagawaran, na ipagdiwang ang resilience at sipag ng mga Pilipino pagdating sektor ng agrikultura.
Inihayag naman ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang age eligibility ng mga pwedeng lumahok sa 16 na taong gulang upang suportahan ang partisipasyon ng mga kabataan.
Tatanggap ang PAGCOR photography contest ng mga entry simula February 15 hanggang July 31 at bukas sa lahat ng uri ng camera, conventional, mobile o mapa-drone category man.
Aabot naman sa P2.23 milyon ang kabuuang papremyo sa lahat ng mananalo para sa nasabing patimpalak ng PAGCOR ngayong taon.| ulat ni EJ Lazaro