Karagdagan pang ayuda ang ipapadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao Region para sa mga pamilyang sinalanta ng shear line at trough ng low pressure area (LPA).
Ang family food packs ay inihanda ng DSWD at ng World Food Programme (WFP) para ang ihatid sa Pier 15 at Manila Port Area mula sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Ang mga food packs ay isasakay sa Philippine Navy Vessel BRP Davao del Sur-LD 602 .
Pagdating sa Davao City, deretso nang ipapamahagi ito sa mga local government unit sa Davao region na naapektuhan ng masamang panahon nitong nakalipas na buwan ng Enero.
Noong Biyernes, may 17,000 boxes ng food packs ang inihanda rin ng Office of Civil Defense (OCD) mula sa DSWD Warehouse sa Cabuyao, Laguna at ipinadala sa Mindanao.
Ginagawa ito ng mga ahensya ng pamahalaan alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.| ulat ni Rey Ferrer