Binigyang pagkilala ang Coin Deposit Machine Campaign ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa naganap na 59th Anvil Awards kung saan naiuwi nito ang parangal na Anvil Silver Award.
Sa nasabing kaganapan, kinilala ang “Bawat Barya Mahalaga: Coin Deposit Machine Communication Campaign” ng BSP bilang isang epektibong communication strategy sa larangan ng technolohiya.
Kapwa tinanggap naman nina BSP Deputy Director Jann Ryan D. Jose at Bank Officer Samantha Franchezka S. Ching ang award mula sa Public Relations Society of the Philippines (PRSP) kung saan binigyang pugay nito ang kahusayan ng BSP sa pagpapahayag nito ng kanilang produkto at serbisyo sa kanilang audience at ang malaking impact at positibong impluwensya nito sa kanila.
Hinihikayat ng Coin Deposit Machine (CoDM) Program ang publiko na gamitin ang mga naipong barya bilang pambayad sa mga produkto o serbisyo.
Layunin ng proyektong “coin deposit machine program” (CoDM) na palakasin pa lalo ang BSP coin circulation program para mas maengganyo pa ang publiko na i-deposit ang mga naipon nilang barya at matulungan pa rin natin ang mga negosyo na sumunod sa R.A. 10909 or the No Shortchanging Act of 2016.| ulat ni EJ Lazaro