Inaasahan ang pagkakaroon ng gun amnesty program sa buong bansa kung target itong ipatupad ngayong taon.
Ito ang inihayag ni PNP – Civil Security Group Director Maj. Gen. Benjamin Silo Jr. sa isang panayam sa Davao City.
Ayon kay Silo na naglabas na ng resolusyon ang Department of Justice kung saan pabor ito sa proposal ng PNP para sa nasabing programa.
Inilahad ng opisyal na isusumite na sa opisina ng Executive Secretary ang nasabing dokumento para sa review.
Dagdag ng opisyal na inaasahan nila na maglalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng isang Proclamation para sa implementasyon ng gun amnesty sa unang quarter ngayong taon.
Kapag naipatupad na ang nasabing programa, ang mga baril na napaso na ang lisensya bago pa man ang implementasyon ng Republic Act 10591o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang makaka- avail ng amnesty. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao