DepEd Bataan, binulabog ng bomb threat; Ilang klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspindi bilang pag-iingat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binulabog din ng bomb threat ang Department of Education (DepEd) Bataan Schools Division Office.

Ito ay matapos na makatanggap ng banta sa pamamagitan ng email ang DepEd Bataan mula sa nagpakilala umanong Japanese lawyer na si Takahiro Karasawa.

Kaugnay nito, sinuspindi ng DepEd Bataan ang mga pasok sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan simula kaninang alas-11:30 ng umaga.

Agad namang rumesponde ang Bataan Police Provincial Office katuwang ang Bataan Provincial Explosive and Canine Unit, at nagtungo sa mga tanggapan ng pamahalaan na nakatanggap ng bomb threat upang magsagawa ng imbestigasyon sa lugar.

Tiniyak naman ng Bataan PNP na ginagawa nito ang lahat, at pinayuhan ang publiko na maging alerto at mag-ingat lalo na sa pagkakalat ng mga impormasyon na magdudulot ng takot sa mamamayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us