NCRPO, patuloy ang isinasagawang kampanya kontra terorismo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigting ang seguridad ng bawat komunidad, patuloy ang isinasagawang kampanya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang labanan ang terorismo at insurgency sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang isinasagawang mga programa at information dissemination sa masamang maidudulot ng terorismo at insurgency sa ating bansa.

Dagdag pa ni Nartatez, na pinapalakas na nila ang revitalized police barangay program upang mas mailapit sa mga komunidad ang pulis, at upang agarang makaresponde sa anumang sumbong o reklamo.

Sa huli, magpapakalat ng mga IEC material ang NCRPO sa barangay upang magkaroon ng kamalayan ng bawat mamamayan sa bawat komunidad. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us