Isang araw bago ang Valentine’s Day ay malaki na ang itinaas sa presyo ng ibinebentang bulaklak sa isang flowershop sa bahagi ng Maginhawa, Quezon City.
Katunayan, naglalaro na sa ₱150-₱200 ang dagdag sa kada bouquet.
Paliwanag ng mga nagtitinda rito, tumaas na rin kasi ang hango nila sa mga bulaklak mula sa Dangwa.
Sa ngayon, pinakamura nang mabibili ang isang piraso ng sunflower na nagkakahalaga ng ₱400 na dati ay nasa ₱250 lang.
May bouquet rin ng Malaysian mumps na nagkakahalaga ng ₱500 at carnation na ₱900 ang presyo.
Kung rosas naman ang bibilhin, nasa ₱600 ang presyo para sa kalahating dosena habang ₱1,200 ang isang dosenang bouquet.
Sa ngayon, marami na aniya ang nagpareserba sa kanila ng mga bulaklak para bukas, February 14. | ulat ni Merry Ann Bastasa