Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Enero.
Ayon sa PSA, naitala sa 2.03-milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of January 1, 2024.
Mas mataas ito ng 6.9% mula noong buwan ng Disyembre na may 1.90-milyong metriko toneladang imbentaryo.
Mas mataas rin ito kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong 2023.
Samantala, bumaba naman ang lebel ng imbentaryo sa mais na umabot sa kabuuang 597.62 libong metriko tonelada nitong Enero.
Mas mataas ito ng 45.9% mula noong 2023 bagamat mas mababa kung ikukumpara sa imbentaryo noong Disyembre ng 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa