Inatasan ni Finance Secretary Ralph Recto ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) na makipag-ugnayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa maayos sa data sharing ng lahat ng government agencies.
Layon nitong paghusayin ang revenue collection ng national government at mga lokal na pamahalaan.
Ito ang atas ng kalihim sa kaniyang command conference sa management team at mga local treasurer sa bansa.
Tinalakay ni Recto ang fiscal performance ng local government units (LGUs) at ang mga nakamit ng BLGF sa nakalipas na taon.
Pinag-usapan din ang strategic plans ng ahensya para ngayong 2024.
Tiniyak naman ng DOF chief ang kaniyang suporta sa hangarin ng BLGF na isulong ang digitalization roadmap para sa 2024-2033 gayundin ang mga pipeline projects tungo sa self-sustainability ng mga LGU. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes