Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kabilang sa target ng kanyang administrasyon ang maiangat ang pasilidad ng mga pagamutan para sa mga kagawad mg Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bahagi ito ng nilalaman sa Facebook post ng Pangulo kasunod ng ginawa nitong pagbibigay ng gawad at pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalong nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na personal niyang dinalaw sa Army General Hospital sa Taguig City.
Bukod sa pag a-upgrade sa mga military hospitals, siniguro din ng Commander-in-Chief na ibibigay ang pinakamataas na antas ng pag-aalaga sa mga kawal gayundin ang buong suporta sa mga programang may kinalaman sa kapakanan ng mga sundalo.
Ang Pangulo ay nagbigay pugay sa mga sundalo na nasugatan sa pakikipaglaban sa Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa Mindanao State University (MSU) bombing noong isang buwan.
Bukod sa financial support, ginawaran din ng Pangulo ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal ang mga sugatang sundalo na patuloy na nagpapagaling sa Philillipine Army General Hospital. | ulat ni Alvin Baltazar