Agad na kumilos ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga napaulat na bomb threat na bumulabog sa ilang tanggapan ng gobyerno.
Tugon na rin ito sa direktiba ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kaugnay ng pagbabanta ng isang Takahiro Karasawa.
Ayon sa NBI, agad itong nakipag-ugnayan sa Japan Police Attache, iba pang law enforcement agencies, at emergency responders para masuri ang lawak ng banta.
“Through this coordinated effort, proactive measures will be formulated and implemented to effectively address the threat.”
Tinukoy rin ng NBI na makailang beses na ring naikabit ang pangalang Takahiro Karasawa sa mga nakalipas na bomb threats sa iba pang bansa at nitong Setyembre lang ay sa MRT-3.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni NBI Dir. Medardo De Lemos ang publiko na patuloy na maging mapanuri at i-report sa kanila ang anumang kaduda-dudang aktibidad o impormasyon hinggil sa isyu.
“We urge the public to remain vigilant and report any suspicious activities or information related to this case to the authorities. The NBI is committed to conducting a thorough and impartial investigation, leaving no stone unturned in the pursuit of justice. We will keep the public informed of any significant developments in this case.” | ulat ni Merry Ann Bastasa