Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa 10-year Maritime Industry Development Plan 2028.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng Executive Order No. 55 na kung saan ay inaatasan ang MARINA Board na ipatupad ang mga programa sa modernisasyon at pagpapalawak ng domestic at overseas shipping gayundin ng shipbuilding at ship repair industry.
Kasama rin sa direktiba ng Presidente ang pagtataguyod pang lalo ng highly skilled at competitive maritime workforce, pagpapalakas ng maritime transport safety at security, pagsusulong ng environment sustainable maritime sector, maritime innovation, digitalization, at pagpapatupad ng epektibong maritime governance system.
Kaugnay nito’y binibigyan din ng awtoridad ang MARINA na bumuo ng Technical Working Group para sa component programs ng 10-year plan. | ulat ni Alvin Baltazar