Makakukuha ng ₱300 diskwento sa lahat ng SM Stores sa buong bansa ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth bukas, February 14, 2024.
Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-29 anibersayo ng PhilHealth.
Tinawag itong PhilHealth Member’s Day kung saan, ang mga miyembrong na may minimum single-receipt purchase na ₱3,000 ay makakukuha ng nasabing diskwento.
Kailangan lamang ipakita ang kanilang PhilHealth ID at SM Advantage Membership Card para maka-avail ng promo.
Gayunman, nilinaw ng state insurer na hindi ito maaaring isabay sa iba pang promo ng SM Store gaya na lamang ng gift-with-purchase. | ulat ni Jaymark Dagala