Binigyang diin ngayon ng Task Force El Niño na tuloy-tuloy ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang dulot ng nararanasan na ngayong tagtuyot dala ng El Niño.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson, Asec. Joey Villarama na kabilang dito ang pagsasaayos ng irrigation canals upang matiyak na maganda ang patubig sa mga sakahan.
Bukod dito ani Villarama, ay may ibinigay ding alternatibong pangkabuhayan ang pamahalaan sa mga apektadong magsasaka ng kalamidad.
Malinaw ayon kay Villarama ang direktiba ng Pangulo para tugunan ang El Niño at ito ay sa pamamagitan ng intervention, mitigation at sama-samang pagtutulungan ng lahat ng sangay ng gobyerno.
Sa mga lugar na apektado ng El Niño, inihayag ni Villarama na region 9 at 6 ang maituturing na pinakaapektadong tagtuyot sa kasalukuyan. | ulat ni Alvin Baltazar