Tatalima ang liderato ng Kamara sa posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na amyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas.
Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo, mismong ang Pangulong Marcos na ang nagsabi na kailangan ng isang healthy at democratic debate hinggil sa usapin.
“klaro naman po sa sinabi ng Presidente ang kailangan po natin sa ngayon, very clear ang sinabi ng Presidente, healthy and democratic debate. So hindi po tayo puwedeng manahimik dahil napakaimportante po ng problemang hinaharap natin, kulang nag trabaho, kulang ang capital. Kung hindi natin ito aaksyonan patuloy pong aalis ang ating mga kababayan para lamang masuportahan ang mga pamilya nila, iiwanan nila ang kanilang mga anak at asawa. It’s an important problem, we need to debate. Sana po hindi na lang yun tingnan as noise, hindi noise e, i-convert natin, debate po sya at that’s the kind of environment that we seek to foster and democratic,” ani Quimbo
Kaya ngayong Miyerkules, magsasagawa ng roundtable discussion ang Congressional Policy and Budget Research Department (CPRBD) kung saan ipipresinta ang kanilang research kaugnay sa pagiging mahigpit ng ating ekonomiya kumpara sa ibang bansa…Tiningnan nila ang FDI inflow sa buong ASEAN, kinumpara nila sa level of restrictiveness at doon tiningnan ko na ang results, klaro din na kapag less ang restrictions, mukhang dadami ang FDI in close.” sabi pa ni Quimbo
Aminado naman si Quimbo, na may epekto pa rin sa interparliamentary peace ng dalawang kapulungan ang mga imbestigasyon hinggil sa people’s initiative.
Kaya umaasa siyang mahinto na ito.
Sa panig naman ni Albay Rep. Joey Salceda, sinabi niya na dahil sa sinuspindi na ng COMELEC ang Comelec Resolution No. 10650 na patungkol sa people’s initiative ay dapat na ring mamatay ang isyu ukol dito.
“In effect, I think we’re shelving P.I. that should be cleared to them because that is the instruction of the President. So, I think sapat na yon para sa Senado na there is no sword of Damocles over them.” ani Salceda | ulat ni Kathleen Forbes