Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Agriculture (DA) na tutukan na ang mga usaping humahadlang sa pagkakaroon ng Pilipinas ng mga kinakailangang gamot o bakuna laban sa Avian at African Swine Flu (ASF).
Sa katatapos lamang na sectoral meeting sa Malacañang, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng veterinary vaccines lalo’t nakakaapekto ito sa pangkabuuang supply ng karne at manok sa bansa, tuwing tinataaman ng sakit ang hogs at poultry sector nito.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, maglalabas sila ng Joint Administrative Order katuwang ang DA, kaugnay sa pagpapadali ng proseso para sa veterinary vaccines.
Habang una na rin aniya silang bumuo ng task force na partikular na tututok dito.
“I already established two task force for that. Number one for the ASF, I have established the Task Force Moccus; and for the Avian Flu, I established the Task Force Alectryon. So those two are composed of different experts that will solely focus on the matter with regard to the ASF [African Swine Flu] and Avian Flu. So we cannot act if there is no applicant. So for the ASF, we have the applicant as of this date, but I think the Avian Flu we have three?” -DG Zacate. | ulat ni Racquel Bayan