Bukas ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggiging legal ng paggamit ng medical marijuana sa bansa, upang ipantugon sa mga partikular na sakit.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni FDA Dir. Gen. Samuel Zacate na patuloy ang innovation sa linya ng medisina.
Kailangan aniya na magkaroon ng malawak na pang-unawa ang lahat na hindi humihinto o hindi limitado ang mga gamot sa kung ano ang mayroon o pinapayagan sa kasalukuyan.
At kailangan lamang masiguro ang regulasyon nito, at hindi makakasama sa mga Pilipino.
“My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang. My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice so ako po ay for the record, to the Food and Drug Administration, as the director general is very much open for the marijuana as long as this has been streamlined at hindi makakasama sa ating mga kababayan,” —Dr. Zacate.
Kaugnay nito, nilinaw ng opisyal na sa huli, nasa mga mambabatas pa rin ang pasya, kung pahihintulutan sa bansa o gagawing legal ang paggamit ng medical marijuana.
“The law on marijuana is subject to the wisdom of the legislative at hindi ko kaya silang pangunahan kasi sila po ang mga number one na magpapasa ng batas.” —Dr. Zacate. | ulat ni Racquel Bayan