Nakiusap ang isang mambabatas mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na huwag naman sanang gamitin ang Mindanao secession bilang isang political slogan.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao mula sa kabuuan ng Pilipinas ay isang insulto sa alaala ng mga Moro na nakipaglaban at namatay para sa self-determination gayundin ang mga militar na nagbuwis ng buhay para sa sa seguridad ng rehiyon.
Ang pinakamainam na bagay na maaari aniyang gawin ngayon upang mapanatiling buhay ang kanilang mga alaala at kilalanin ang kanialng sakripisyo ay panatilihing buo ang bansa.
“I guess my calling to our leaders, be more circumspect. We should not use independence or the issue of secession of Mindanao as a political slogan. We should not use that loosely in order to express our dismay politically. Huwag ho natin gamitin ito na political slogan or tirahin because we are frustrated personally or politically sa mga nakaupong mga lider. Huwag po. Kasi it adds insult to the memory of those fallen and to the troops who have sacrificed their lives in order to protect the Philippines,” sinabi ni Adiong.
Sinabi pa ni Adiong, mas may moral ascendancy para manawagan ng secession ng Mindanao ay ang mga Muslim o residente ng BARMMs na inilaban ang karapatan para sa self-governance at self-determination.
Bagay na kinilala na aniya ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Now, we have already the BARMM, and we had the ARMM … I am saying this because in so far as the call for secession is concerned, I think the Muslim community, minority Muslims in Mindanao, have the moral ascendancy to call for secession in the first place. And this has already been accepted by the government even in the previous administration when former PRRD said that it’s time to correct the injustices committed against the Moro people. So we have that ascendancy, the moral ascendancy, to speak about and call for independence,” saad nya.
Sa ngayon, masaya na aniya sila sa naigawad na “genuine autonomy” sa pamamagita ng BARMM.
Kaya ang dapat na gawin ngayon ay magkaisa at suportahan ang administrasyong Marcos lalo’t nagbubunga na umano ang ninanais na kaunlaran.
“I am the second generation of the Muslim minority in the country who have seen the brunt of war. I have seen it, I know the smell of a decomposing body. I know the sound of a gun. Kami po yung unang-unang magsasabing, tapos na po ‘yan because we want to move forward,” pahayag ni Adiong. | ulat ni Kathleen Forbes