Social pension para sa indigent senior citizens sa Pasig City, sisimulan bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Uumpisahan na bukas ang pamamahagi ng social pension para sa mga indigent senior citizen o nakatatanda sa Lungsod ng Pasig.

Ayon sa Pasig Local Government, pangungunahan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa unang semestre ng taong 2023.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga residenteng nakatatanda na dalhin ang kinauukulang dokumento para makakuha ng payout.

Gayunman, nilinaw ng Pasig LGU na hindi na kinakailangang pumunta ng malayo dahil lalapit na sa mga barangay ang payout center, mangyaring bisitahin ang kanilang Facebook Page o sa Barangay Hall para sa iskedyul.

Kailangan lamang kumuha ng Certificate of Indigency mula sa Barangay at ID kapag kumuha ng payout.

Paglilinaw pa ng Pasig LGU, hindi lahat ng senior citizens na nakarehistro sa Office for Senior Citizen Affairs (OSCA) ay benepisyaryo ng social pension mula sa DSWD.

Para sa mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng Pasig City OSCA. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us