Pinatitiyak ni Senador Alan Peter Cayetano na magpapatuloy ang paglalaan ng pondo para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon kay Cayetano, hindi sapat ang pagpapasa lang ng limang taong plano para sa modernisasyon dahil kailangan nito ng pondo para maisakatuparan.
Giit ng Senate committee on Science and Technology Chairperson, makakatulong sa mga infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang modernisasyon ng Philvolcs partikular ang hazard mapping, para malaman kung saan dapat o hindi dapat magtayo ng imprastraktura.
Sa ilalim ng Philvolcs modernization plan, ay maglalagay ng 300 earthquake monitoring stations, 82 sea level monitoring stations, geologic hazard maps, research facilities at information and communications technology server room.
Naniniwala si Cayetano, na kailangang buhusan ng atensyon ang modernization ng PHIVOLCS dahil makakatulong ito ng pangmatagalan. | ulat ni Nimfa Asuncion