Pinuna ni Quezon Rep. Reynan Arrogancia ang natuklasang kabit system sa mga kooperatiba ng pampublikong sasakyan.
Lumabas ang isyu sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa PUV modernization program.
Ayon kay Arrogancia ang kabit system ang sumisira sa maganda sanang hangarin ng PUVMP.
Ang ‘kabit system’ ay isang iligal na kasunduan sa pagitan ng isang indibidwal na may certificate of convenience, na nagpapahintulot sa isa pa na mag may-ari ng motor vehicle at mag-operate sa ilalim ng naturang prangkisa.
“The kabit system is bad because the kabit-operator is taking advantage of the entity it is attaching itself to. The kabit is essentially a colorum masquerading as legit. The kabit enjoys being pseudo-legit but does not assume any business risk and does not follow the rules.” saad ni Arrogancia
Dahil dito, pinakikilos ng mambabatas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office of the Transport Cooperative (OTC) para bantayan ang mga ‘kabit’ na PUV unit at operators.
Kasabay nito sabi pa ng mambabatas, na maaaring ikonsidera ng pamahalaan ang subcontracting bilang special arrangement para masawata ang kabit system basta’t ito ay pahihintulutan ng LTFRB at OTC
Ang dalawang ahensya rin aniya ang maglalatag ng mga panuntunan at limitasyon kaugnay sa pagpapatupad ng subcontracting. | ulat ni Kathleen Forbes