Sumampa pa sa higit 451,000 pamilya o katumbas ng 1.6 milyong indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development na naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulang dulot ng trough o extension ng LPA.
Mula ito sa higit 800 barangays na apektado sa Davao region, SOCCSKSARGEN, CARAGA region at BARMM.
Kaugnay nito, malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuatipn centers.
Batay sa tala ng DSWD, as of 6am, mayroon pang 5,000 pamilya o katumbas ng halos 19,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation center.
Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng tulong ng DSWD na sumampa na rin sa higit P189 milyon ang naipaabot na tulong sa mga LGU na apektado.
Nananatiling nakahanda rin ang nasa P3 bilyong halaga ng stockpile at standby funds ng DSWD para tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa