Halos patapos na ang second phase ng Jalaur River Multipurpose Project sa Lalawigan ng Iloilo.
Personal nang ininspeksiyon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Php19.7-billion infrastructure development ng National Irrigation Administration (NIA).
Sa sandaling makumpleto ang proyekto ay mapapataas nito ang rice production, at mabebenepisyuhan ang 25,000 at 4,500 na mga katutubong mamamayan sa lalawigan.
Makikinabang din sa proyekto ang 23 bayan at dalawang siyudad doon, at makapagbigay ng irigasyon sa 9,500 ektarya ng rainfed farms mula sa kabuuang 22,340 ektarya.
Asahan na mapapataas din nito ang rice output sa nasabing mga bayan at siyudad ng 71% o 338,000 metric tons.
Bukod dito, mayroon ding 6.6-megawatt power generation ang HRMP II, bulk water, palaisdaan, turismo, flood control, pabahay para sa mga katutubo, at carbon sequestration components. | ulat ni Rey Ferrer