Patuloy pa rin ang malawakang tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region na dulot ng shearline at low pressure area.
Sa pamumuno ng OVP-Disaster Operations Center kasama ang OVP Davao Satellite Office, umabot na sa 3,860 na mga pamilya ang nahatiran ng relief bags sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte nitong February 12 at 13.
Nagpasalamat din ang OVP sa lahat ng mga responder at volunteer na nagtulong-tulong upang umagapay sa mga apektado nating kababayan sa Mindanao noong kasagsagan ng pagbaha noong isang linggo.
Tiniyak naman ng OVP na magpapatuloy pa ang pamamahagi ng ayuda ang sa libo-libong pamilya sa Davao Region ngayong linggo. | ulat ni Diane Lear
Photo: OVP