Umano’y gumagalang “killer” sa Tondo, pinasinungalingan ng MPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumabas na ulat na may kumakalat na “killer” sa Tondo, Maynila, walang katotohanan ayon sa Manila Police District.

Partikular sa may bahagi ng Balut kung saan maraming residente ang nababahala at natatakot.

Sa kumalat na balita, dalawa na ang napapatay ng naturang killer na pinangalanan “Jhoel” na may alyas na “Blandy”.

Sinasabing gumala daw ito at basta-basta namamaril kung saan sa kumalat pa na balita, hindi daw titigil hangga’t hindi nakikita ang gustong patayin.

Pero sa ginawang pag-iimbestiga ng MPD, wala silang nakuhang impormasyon hinggil sa masabing kumakalat na balita.

Muli naman pinaalalahanan ng MPD ang lahat ng residente ng Maynila na maging kumpirmahin muna sa mga otoridad kapag may ganitong uri ng balita kung saan huwag din mabahala dahil oras-oras na nakabantay ang kanilang tauhan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us