Oil spill sa Mindoro, kontrolado na ayon sa PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Significantly controlled” o kontrolado ang oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang iniulat ni Philippine Coast Guard o PCG Commandant Admiral Artemio Abu, sa kanyang pagharap sa panibagong pulong sa Department of Justice o DOJ ukol sa Mindoro oil spill.

Ayon kay Abu, mula sa 23 ay nasa 11 na leakages na lamang ang mayroon mula sa MT Princess Empress.

Anim ang sumailalim sa “bagging operations” o sinusuputan ang leakages.

Ayon kay Abu, ang apat ay hindi na nilagyan ng bag, dahil wala nang lumalabas na langis.

Habang ang isa ay hindi na nilagyan ng bag dahil hindi magawa ang bagging operations.

Ang termino na binanggit ni Abu ay “very slow intermittent leakage.”

Kaya ayon kay Abu, nakontrol na ang leakage mula sa MT Princess Empress.

Sa kabila nito, tiniyak ni Abu na tuloy-tuloy ang PCG, mga lokal na pamahalaan at kaukulang mga ahensya sa kanilang mga operasyon, preventive measures para hindi kumalat ang tumagas na langis, at clean up operations.

Sa katunayan, araw-araw itong ginagawa kahit noong nakalipas na holiday dahil sa paggunita sa Semana Santa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us