Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala nang initiative encounters na naitatalang ikinakasa ng mga kalaban ng pamahalaan.
Pahayag ito ng Commander-in-Chief kaugnay ng naging pagbisita nito kamakailan sa tropa ng 401st Infantry Brigade, 4th Infantry Division ng Philippine Army.
At base sa mga ulat na nakakarating sa kanya, sinabi ng Pangulo na puwersa na ng gobyerno ang naghahabol at nasa offensive mode kontra sa mga kalaban ng gobyerno.
Isang malinaw na indikasyon aniya ito na tagumpay ang military operation campaign ng pamahalaan sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines.
Kinilala din ng Pangulo ang aniya’y hirap ng buhay ng mga sundalo na sa karamihan ng kanilang oras ay sinusuong ang mapanganib na terrain sa pagtugis sa mga kalaban. | ulat ni Alvin Baltazar