Pinaalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na maging responsable sa paggamit ng social media.
Ito’y kasunod na rin ng naging paglilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa pagpapatupad ng ban nito sa paggamit ng social media platform na Tiktok.
Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., wala pa naman silang ipinatutupad na kahalintulad na panuntunan gaya ng sa AFP.
Gayunman, sinabi ng PNP chief na puwedeng mag-Tiktok ang mga pulis basta’t hindi nila nayuyurakan ang kanilang uniporme.
Una nang nilinaw ng AFP na ang Tiktok ban ay para lamang sa AFP issued gadgets na konektado sa military network.
Kaugnay naman ng usapin pangseguridad, sinabi ng PNP chief na pag-aaralan nila ang pinaiiral na panuntunan ng militar.
“Well with regards to the company issued cellphone wala tayong policy pa diyan but with regards to the paggamit ng TikTok
privately, yung ating personal as long as it is not degrading our uniform walang problema but nevertheless with regards to the security issue na niri-raise ng AFP we are evaluating it also,” wika ni Acorda. | ulat ni Jaymark Dagala