Nananatiling matatag ang presyuhan ng isda sa Agora Public Market sa San Juan City.
Ito’y kasunod na rin ng pag-aalis ng closed fishing season na siyang inaasahang makapagpapataas sa produksyon ng isda na makapagpapababa naman sa presyo nito.
Ayon sa ilang nagtitinda ng isda, kadalasang bumababa ang presyo ng isda tuwing sasapit ang panahon ng tag-init o mula buwan ng Marso hanggang Mayo.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, ilan sa mga isdang murang mabibili sa Agora Public Market ay:
Tamban – Php 100/kg
Galunggong – naglalaro mula Php 50 hanggang Php 200 kada kilo depende sa laki at kasarian
Bangus – Php 180/kg
Tilapia – Php 140/kg
Paliwanag ng mga nagtitinda, bahagyang tumaas ang presyo ng Galunggong dahil sa kakaunti ang suplay na dumating sa kanila.
Mas malikot anila ang presyuhan ng mga isdang dagat dahil nakadepende ito sa suplay, hindi gaya ng mga isdang tabang gaya ng Bangus at Tilapia na tantsado na ang dami sa mga palaisdaan. | ulat ni Jaymark Dagala