Pinangunahan ni Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang ground breaking ceremony para sa Farm-to-Market Road project sa bayan ng Oras, Eastern Samar.
Malaki ang pasasalamat ng mambabatas na masimulan ang naturang proyekto na siya ring farm to market road na may pinakamalaking pondo.
Aniya, tumulong ang 4Ps party-list na maglaan ng ₱100-million bilang pondo para sa naturang proyek1to ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ang naturang FMR ay sasaklawin ang pitong barangay mula sa San Eduardo to Nadacpan, Nadacpan to Saurong, Saurong to Agsam, Agsam to Iwayan, Iwayan to Minap-os, Minap-os to Alang-alang, Alang-alang to Cadi-an.
Umaasa naman si Libanan na oras na matapos ang naturang kalsada ay magdadala ito ng kaginhawaan at pag-unlad sa sektor ng agrikultura.
Sa pamamagitan kasi aniya ito any mas maging accessible ang mga lugar sa mga produkto at serbisyo na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes