Muling naghatid ng tulong ang Quezon City local government sa mga kabataang estudyante ng lungsod.
Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng P3,000 educational assistance sa 359 kabataan sa lungsod.
Layon ng tulong pinansyal na masuportahan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, lalo na ang mga pinaka nangangailangang kabataan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay mga ‘children and youth in need of special protection’, kabilang ang mga mula sa indigent families, children in conflict with the law, at mga nasa alternative learning system.
Nitong 2023, umabot sa 1,109 mag-aaral ang napabilang sa programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa