Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magtatakda ng partikular na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kasama na ang karagatang maituturing na bahagi pa rin ng bansa.
Ito ay ang Senate Bill 2492 o ang Philippine Maritime Zones Bill.
Layon ng naturang panukala na tulungan ang bansa na igiit ang ating karapatan sa ating mga teritoryo.
Una nang sinabi ni Senate Special Committee on Maritimes Zones Chairperson Senador Francis Tolentino na ang panukalang ito ay magpapalakas ng claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea at iba pang territorial disputes ng ating bansa.
Bukod sa West Philippine Sea claim, saklaw na rin ng panukala ang pagbibigay linaw na bahagi ng Pilipinas ang Sabah.
Sa susunod na linggo, inaasahang pagbobotohan na sa ikatlo at huling pagbasa ang Philippine Maritime Zones Bill. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion