Umaasa si Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza na mabilis lang mapagtitibay ng Kamara ang kaniyang House Bill 7871 o ₱150 across-the-board wage increase sa pribadong sektor sa buong bansa.
Aniya malaking bagay ang atas ni Speaker Martin Romualdez sa House Committee on Labor and Employment na dinggin na sa lalong madaling panahon ang panukalang umento sa sahod.
Mahalaga din ani Mendoza na mapakinggan ang lahat ng sektor sa gagawing pagtalakay ng panukala.
Punto ng mambabatas, mula 1989 ang mga ipinatupad na wage increase ay hindi na nakakasabay sa pagbabago sa “cost of living” na dala na rin ng inflation.
Paniwala ni Mendoza ang ganitong sistema ay dulot ng maling pananaw na kung mas mura ang pasahod ay mas makaka-akit ng mamumuhunan.
Giit pa nito na obligasyong moral na maipasa ang panukalang dagdag-sahod para sa kapakanan ng mga minimum wage earners na hirap pagkasyahin ang kita para sa isang disenteng pamumuhay.
“As Filipino workers struggle with already-low wages eroded by inflation and various headwinds, the legislated wage hike is no longer a social or economic imperative but a moral and existential imperative, especially for our millions of mostly poor wage earners. Their honest hard work receives only poverty wages that cannot even sustain the health, productivity, and need for a decent life of their families,” giit ni Mendoza.
Dagdag pa ng mambabatas, na ang hakbang na ito ay pakikiisa sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sama-sama tayong babangon muli.
“In line with President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.’s battle call—‘sama-sama tayong babangon muli’—such that no worker should be left behind as we rapidly industrialize, all benefit from higher wages boosting consumer demand and driving inclusive and equitable wage-led growth towards a more prosperous and just Philippine society where Filipino workers and their families rightfully reap the fruits of their labor,” sabi pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes