Sa kabila ng napakahigpit na schedule ng First Couple, hindi naman hadlang ito para magkaroon ng oras sa isa’t isa sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamagitan ng dinner date.
Sa Facebook post ni Pangulong Marcos ay ipinakita nito ang kanilang date kagabi ni First Lady Liza.
Nakalagay sa caption ng larawang ibinahagi ni Pangulong Marcos ang: Date night for the First Couple – with Liza Marcos.
Magkaharap ang First Couple sa isang mahabang mesa habang masayang nagkukwentuhan at nagkakatawanan.
Wine, salad, and bread ang makikita ring pinagsaluhan ng First Couple.
Matatandaan na sa nakaraang vlog ng Pangulo ay sinabi nitong tuwing Miyerkules ang kanilang date ni First Lady Liza.
Kung hindi man sa isang restaurant dahil sa sobrang busy ay sa bahay ginagawa at ang menu ng kanilang house-date ay niluluto mismo ni Pangulong Marcos. | ulat ni Alvin Baltazar