Hindi inirerekomenda ng Task Force on El Niño ang paggamit ng inflatable pool ngayon panahon ng tagtuyot.
Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force on El Niño Spokesperson Joey Villarama, mas magandang magamit na lang na pang-hydrate ng katawan ang tubig kaysa maikonsumo para sa inflatable pools.
Ipinaliwanag ni Villarama na nakararamdam ang katawan ng 36.5 degree Celsius ng walang alinsangan hanggang 37.5 degree Celsius.
Kaya’t kung tumaas pa aniya ito ay baka mauwi sa overheat ang katawan o di kaya ay humantong sa dehydration.
Mas maigi, ayon kay Villarama, ang
unahing masigurong nananatiling hydrated ang katawan ngayong ramdam na rin ang init sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig sa halip na ilagay ito sa inflatable pool na mangangailangan pa ng maraming konsumo sa tubig. | ulat ni Alvin Baltazar