Umabot sa 105,000 mga beneficiaries ang nakatanggap ng libreng check up, de-worming at pagkain kaugnay ng isinagawang Lab for All sa Floridablanca.
Ang Lab for All ay laboratoryo, konsulta, at gamot para sa lahat.
Sa naging talumpati ng Unang Ginang, inihayag nito sa mga beneficiaries na ipinaaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pangangamusta sa kanila at pagpapasalamat sa lahat.
Muli ring binigyang-diin ni First Lady Liza ang target ng Bagong Pilipinas Program na aniya’y hindi isang political game plan kundi isang istratehiya para sa genuine development at upang mas mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga tao. | ulat ni Alvin Baltazar