‘Full Scholarship Grant’ para sa Cagayano ang alok ni Ambassador Wallace Minn-Gan Chow, kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) sa kanyang pagharap sa grupo ng mga student intern at kababaihan, mga magsasaka, at barangay officials sa Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center sa Anquiray, Amulung kahapon.
Gayunpaman, ang scholarship program na ito ay laan lamang sa mga young farmer students at ito ay sa ilalim ng Filipino Young Farmers Internship Program in Taiwan (FYFITP).
Ang FYFIPT ay partnership ng Department of Agriculture (DA), Manila Economic and Cultural Office (MECO), at ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute (ATI).
Ayon sa Ambassador, sa pamamagitan ng kanilang paglalakbay at pag-aaral sa Taiwan ay matututo sila sa mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka na kanilang gagamitin dito sa Cagayan.
Mayroon aniyang 11 months at 4-year full term scholarship ang Taiwan at maaaring mag-apply lamang sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng tanggapan naman ni Governor Manuel Mamba.
Kaugnay rito, hiniling naman ni Gob. Mamba ang 50 slots para sa nasabing scholarship.
Kanya ring inihayag ang kanyang pagkagalak dahil sa pagpunta sa lalawigan at pagpapakita ng interes ng naturang ambassador. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao
📷Cagayan Provincial Information Office