Patuloy na susuportahan ng Department of Tourism (DOT) ang Philippine Tour Operators Association (Philtoa) dahil sa patuloy na pagbibigay ng sigla at pagsuporta nito sa tourism sector ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, malaki ang kontribusyon ng kanilang association sa sektor ng turismo kaya naman nararapat lamang na mabigyan ng suporta mula sa national governement.
Dagdag pa ni Frasco na patuloy ang kanilang pagbibigay ng programa sa Tourism operators upang mas malinang pa ang kanilang kaalaman sa sektor ng turismo upang mas makapanghikayat pa ng maraming mamumuhunan sa bansa.
Sa huli makakaasa ang Philtoa sa pagsuporta ng Tourism Department sa anumang kakailangan nilang tulong o assistance na magpapayabong sa kanilang mga negosyo. | ulat ni AJ Ignacio