Nakatakdang magsagawa ng panibagong bidding ang Commission on Elections para sa kumpanya na hahawak ng online overseas voting ng OFWs.
Ang desisyon ng komisyon ay bunsod ng hindi pagkakapasa ng dalawang kumpanya sa Bids and Awards Committee ng COMELEC..
Base sa COMELEC, hindi nakapagbigay ang Indra Soluciones Technologias de la Information, at We are IT Philippines Inc. ng sapat na dokumento dahilan kaya sumablay ang mga aplikasyon ng mga ito.
Dito na nagpadala ng notice of ineligibility ang Bids and Awards Committee ng COMELEC para ipaalam sa dalawang nasabing kumpanya na hindi kwalipikado ang mga ito sa online voting and counting system sa 2025 midterm elections. | ulat ni Lorenz Tanjoco