Labag sa anumang batas ang paggamit ng mapaminsalang cyanide sa pangingisda.
Ito ang binigyang diin ni Solicitor General Menardo Guevarra hinggil sa isyu ng sinasabing cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese nationals sa West Philippine Sea.
Ayon pa kay Guevarra, kahit sa international law ay malinaw na paglabag ang paggamit ng cyanide sa pangingisda kaya’t ang kahit sino na gumagamit nito ay dapat maparusahan.
Dagdag pa ni Guevarra na kinakailangan ng kanilang ahensya ng malinaw at mabibigat na ebidensya mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR hinggil sa insidente ng cyanide fishing.
Pero paglilinaw ni Guevarra, desisyon pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbabatayan ng anumang aksyong gagawin ng pamahalaan sa umano’y paggamit ng cyanide ng China at Vietnam sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon kay Guevarra, magrerekomenda lamang sila ng mga legal hakbang sa sumbong ng mga mangingisdang Pilipino
Anumang hakbang aniya ay nasa kamay ng Pangulo ng bansa. | ulat ni Lorenz