Pumalo na sa 406,371 ang mga bagong botante na nagparehistro para makalahok sa 2025 elections.
Sa pinakahuling report ng Commission on Elections (COMELEC), ang Region 4A ay may 72,515; na sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 56,365; Region 3 na mayroong 44,794; Region 7 34,374; at Region 11 na 23,718.
Sa mga rehiyon, ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may maliit na bilang ng mga nagparehistro na nasa 4,635 lamang sa nakalipas na halos dalawang linggo.
Kaya naman, patuloy na humihikayat ang Comelec na samantalahin ang mahabang panahon para sa pagpaparehistro upang makaboto sa 2025 midterm elections.
Target ng Komisyon na makakuha ng dalawang milyong mga bagong botante hanggang September 30 deadline. | ulat ni Michael Rogas