Umabot sa kabuuang 26,285 na pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa Davao Region ang nabigyan ng tulong ng Office of the Vice President (OVP).
Sa pagtutulungan ng OVP Disaster Operations Center at OVP Davao Satellite Office, namahagi ito ng tig-limang kilong bigas sa mga apektadong residente kahapon.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mahigit 13,000 pamilya sa Davao Oriental; mahigit 9,000 pamilya sa Davao del Norte; at mahigit 2,000 pamilya sa Davao de Oro.
Namahagi rin ang OVP ng iba’t ibang food at non-food items sa Davao Oriental na hatid naman ng mga kababayan natin sa Luzon.
Nagpasalamat ang OVP sa lahat ng mga responder at volunteer na nagtulong-tulong upang umagapay sa mga apektadong residente sa Mindanao noong kasagsagan ng malawakang pagbaha na dulot ng shear line at low pressure area. | ulat ni Diane Lear